Bagets na pusher, tiklo sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | February 2, 2021
NUEVA ECIJA—Arestado ang 16-anyos na binatilyong drug pusher sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Putlod, Jaen.
Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang suspek na residente sa nabanggit na barangay.
Napag-alamang ilang operatiba ang nagpanggap na buyer ng shabu at nang pagbentahan sila ng droga ng binatilyo ay dito na dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 16 sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments