Bagets na pusher, huli
@Balitang Probinsiya | April 29, 2023
ILOILO—Isang 17-anyos na binatilyong drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga tauhan ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Tanza, Iloilo City sa lalawigang ito.
Dahil menor-de-edad, hindi na pinangalanan ang suspek na residente sa nabanggit na barangay.
Napag-alaman na ilang operatiba ang nagpanggap na buyer ng shabu at nang pagbentahan sila ng droga ng binatilyo, dinakip na ng mga awtoridad ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng siyam na sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments