Bagets na karnaper, nasakote

Jan 7, 2021
1 min read
Updated: Jan 9, 2021
@Balitang Probinsiya | January 7, 2021
NUEVA ECIJA—Isang 16-anyos na binatilyo karnaper ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bantug Norte, Cabanatuan City.
Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang suspek.
Ayon sa ulat, inaresto ang suspek dahil sa pagkakasangkot nito sa pagnanakaw ng motorsiklo.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya sa nasabing lugar.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong carnapping.



Comments