Bagets, minolestiya ng bading
- BULGAR
- Sep 19, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 19, 2023
CEBU -- Isang bading na nangmolestiya sa isang 15-anyos na binatilyo ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa Cebu City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang iniimbestigahan pa ito sa himpilan ng pulisya.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek matapos na ireklamo ito ng biktimang itinago sa pangalang “Totoy”, residente sa nasabing lungsod.
Sinabi ng biktima na ang pangmomolestiya sa kanya ng suspek ay naganap sa loob ng inuupahang kuwarto ng bading.
Inihahanda na ng pulisya ang mga kaukulang kaso laban sa suspek.



Comments