Bagets, kinatay ng kapitbahay
@Balitang Probinsiya | July 29, 2023
ILOILO — Isang 15-anyos na binatilyo ang namatay nang pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay kamakalawa sa Bgy. Aquino-Nobleza East, Janiuay sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan ay itinago ng pulisya sa pangalang “Chris”, samantalang ang suspek ay si Mateo Renovar, 28, at kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa pulisya, habang nakaupo si “Chris” sa harap ng kanilang bahay, nilapitan ito ni Renovar at sa hindi malamang dahilan ay agad pinagsasaksak ang biktima.
Nabatid na dahil sa dami ng tinamong tama ng saksak sa katawan ay nasawi ang biktima sa pinangyarihan ng krimen.
Agad namang nadakip ng mga rumespondeng tauhan ng pulisya ang suspek at sa ngayon ay sinampahan na ito ng kasong murder.



Comments