top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Bagets, dedo sa banggaan ng 2 motorsiklo

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 21, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 21, 2021


CAMARINES NORTE--Isang binatilyong rider ang namatay at limang katao ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang dalawang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Catabaguangan, Capalonga.


Dahil menor-de-edad, ay itinago ng pulisya ang nasawing biktima sa pangalang "Berto", 17-anyos, samantalang kinikilala pa ang limang nasugatan sa naganap na aksidente.


Ayon sa ulat, angkas ni "Berto" sa minamaneho niyang motorsiklo ang tatlo niyang kaibigan na pawang menor-de-edad din nang aksidenteng mabangga sila ng isang rin motorsiklo na kinalululanan ng dalawang lalaki.


Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang anim na biktima sa pagamutan, pero idineklarang dead-on-arrival si "Berto."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page