top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Bagets, binoga ng katoma

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 26, 2024

CAGAYAN -- Isang 17-anyos na binatilyo ang nasa kritikal na kalagayan nang barilin ng kanyang kainuman kamakalawa sa Brgy. San Vicente, Sta. Ana sa lalawigang ito.

 

Ang biktimang nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo ay nakilalang si JB Torres, residente ng naturang barangay, habang ang suspek ay si Johnson Tuguib, 35, nakatira sa Cauayan City, Isabela.

 

Ayon sa ulat, habang nag-iinuman sina Torres at Tuguib, kasama ang ilang kalalakihan ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na humantong para maglabas ng baril at barilin ng suspek ang biktima sa ulo.

 

Agad dinala ng mga saksi si Torres sa ospital at kasalukuyan itong inoobserbahan.

 

Nabatid na nagtangka pang tumakas ang suspek, pero nadakip siya ng mga otoridad sa police checkpoint.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page