top of page

Bag, tanda na magkakaroon ng maraming anak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 12, 2024
  • 1 min read

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 12, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jerico ng Pasig City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na minalas ako sa buhay, at sobrang kamalasan ang sinapit ko. 


Nakaraang gabi naman, napanaginipan ko na nakapulot ako ng bag, at may laman itong P50,000.


Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?

Naghihintay,

Jerico



Sa iyo, Jerico,


Kabaligtaran ang ibig sabihin ng panaginip mo na minalas ka, ito ay nangangahulugan na susuwertehin ka sa buhay.


Samantala, ang nakapulot ka ng pera ay nagpapahiwatig na lalago ang iyong negosyo. Uunlad ito, at kikita ka na rin ng malaki. Ito rin ay senyales na magiging maayos at masaya na ang iyong pamilya.


Ang bag ay tanda na magkakaanak kayo ng marami. Sila ang magbibigay ng karangalan sa pamilya n’yo.


Ang P50,000 naman ay sumisimbolo na makakapag-abroad ka, hindi lang sa isang bansa, kundi sa iba’t ibang bansa. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna.








Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page