top of page

Bading natagpuang patay

  • BULGAR
  • Oct 22, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | October 22, 2022


PALAWAN—Isang 32-anyos na bading ang natagpuang patay kamakalawa habang nakabigti sa puno sa Bgy. Cabigsing, Cuyo.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Sakilon Quirino, residente ng nabanggit na bayan.


Nabatid na ilang residente ang nakakita sa bangkay ni Quirino na nakabigti sa puno na malapit sa bahay ng kaibigan ng biktima.


Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, huli umanong nakitang buhay si Quirino habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa naturang barangay.


Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matiyak na walang naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page