Backrider, todas sa karambola
@Balitang Probinsiya | June 24, 2023
CAMARINES SUR -- Isang backrider ang namatay at sugatan naman ang rider sa karambola ng tatlong sasakyan kamakalawa sa Bgy. Anayan, Pili sa lalawigang ito.
Nakilala ang nasawi na si Renato Galvan, nasa hustong gulang, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng rider na nasugatan sa naganap na aksidente.
Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang driver ng isang trak kaya nabangga nito ang dalawa pang trak at dahil dito, naipit ang motorsiklong kinalululanan ng dalawang biktima.
Nabatid na dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Galvan.
Hindi na pinangalanan ang tatlong driver ng tatlong trak habang nangako ang mga ito na sasagutin ang danyos sa pagkamatay ni Galvan at gastusin sa ospital ng rider ng motorsiklo.



Comments