top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Backrider dedo, rider sugatan sa trak

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 4, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 4, 2020



QUEZON—Isang backrider ang namatay at sugatan naman ang rider nang aksidenteng mabangga ng trak ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Talisay, Tiaong.


Ang biktimang nasawi ay nakilalang si John Mark Juego, 20-anyos, samantalang ang sugatan ay ang nagmamaneho ng motorsiklo na si Francis Alipante, kapwa residente sa nabanggit na lalawigan.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng trak na minamaneho ni Jan Michael Bucay kaya nabangga ang motorsiklong kinalululanan ng dalawang biktima.


Dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa pagamutan, pero idineklarang dead-on-arrival si Juego na nagtamo ng malaking sugat sa ulo.


Kusa namang sumuko sa pulisya si Bucay na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury at damage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page