Backrider, dedbol sa semplang

@Balitang Probinsiya | December 22, 2020
CAPIZ—Isang backrider ang namatay at sugatan naman ang rider nang aksidenteng sumemplang ang sinasakyan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Intungcan, Pontevedra.
Kinilala ang nasawi na si Reynaldo Diestro, samantalang ang sugatan ay si Charles Dumali, kapwa nakatira sa bayan ng Maayon sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Dumali sa pagmamaneho ng motorsiklo habang kaangkas si Diestro kaya sumemplang sila sa kalsada.
Nabatid na kapwa nagkaroon ng malaking sugat sa ulo at katawan ang mga biktima sa naganap na aksidente.
Kaagad dinala ng mga saksi ang dalawag biktima sa pagamutan, pero idineklarang dead-on-arrival si Diestro.



Comments