top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Backhoe sinunog ng mga NPA

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 1, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 01, 2023


MASBATE—Isang backhoe ang sinunog ng mga hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) kamakalawa sa Bgy. Sta. Rosa, San Jacinto sa lalawigang ito.


Ang sinunog na backhoe ay pag-aari ni Nelson Brejuega, nasa hustong gulang at negosyante ng nasabing bayan.


Ayon sa ulat, dumating ang mga armadong lalaki sa naturang barangay at nang makita ang backhoe ay agad itong sinunog.


May hinala ang pulisya na tumangging magbigay ng revolutionary tax sa mga rebelde ang negosyante kaya sinunog ang kaniyang backhoe na nagkakahalaga ng mahigit P3.5 milyon.


Nagsasagawa na ngayon ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga rebelde.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page