Backhoe operator, todas sa aksidente
@Balitang Probinsiya | June 30, 2023
CAGAYAN -- Isang backhoe operator ang namatay sa naganap na aksidente kamakalawa sa Bgy. San Jose, Baggao sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Donel Cadaba, 31, residente ng nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, habang lulan ang isang backhoe sa likod ng trak, natulog ang operator nito kaya nang magpreno ang nasabing sasakyan ay naipit ng kagamitang ito ang biktima.
Dinala pa ng driver ng trak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid kung may pananagutan sa insidente ang driver ng trak.



Comments