top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Baby boy, patay sa kuryente

BULGAR
Jul 19, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 19, 2022


ISABELA—Isang baby boy ang namatay nang makuryente kamakalawa sa Bgy. Alicaocao, Cauayan City.


Ang biktima ay 1-taong gulang na ang mga magulang ay residente sa nasabing barangay.


Ayon sa hindi pinangalanang ina ng baby ay kinuha lang umano niya ang kanyang sinampay na damit sa labas ng bahay at pagbalik niya ay nakita niyang sunog ang kamay ng kanyang anak.


Kaagad dinala ng ina ang anak sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay napag-alamang nahawakan ng baby ang live wire sa extension ng kuryente kaya nakuryentye ang biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page