top of page

Babala na mas mahihirapan sa lilipatang trabaho

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 7, 2024
  • 1 min read

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | September 7, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dorothy ng Nueva Ecija.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nag-aayos ako ng kama, nang may biglang pumasok na bubuyog sa kuwarto ko. Nagpaikut-ikot ito sa akin, at para bang gusto akong kagatin. Mabuti na lang ay nagising ako.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Dorothy



Sa iyo, Dorothy,


Ang ibig sabihin ng nag-aayos ka ng kama mo ay mapipilitan kang maghanap ng ibang trabaho. Mag-a-apply ka sa ibang kumpanya na mas magbibigay sa iyo ng mas malaking suweldo.


Samantala, ang may pumasok na bubuyog sa kuwarto mo ay nagpapahiwatig na magiging mas mahirap ang trabaho mo. Pero, maghahatid naman ito sa iyo ng karangalan at kaligayahan.


Ang nagpaikut-ikot ang bubuyog, at para bang gusto kang kagatin ay nangangahulugan na marami kang pagsubok na kakaharapin, lalo na pagdating sa trabaho, darating ka rin sa puntong halos sumuko ka na. Subalit ‘wag kang mag-alala, dahil mapapansin din ng boss n’yo ang pagiging masipag mo, kaya naman agad kang mapo-promote at mabibigyan ng award. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page