ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 27, 2024
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rosita ng Roxas City.
Dear Maestra,
Wala akong asawa pero madalas kong mapanaginipan na may asawa ako. Isa pa, madalas ko ring mapanaginipan ang honey, at gustung-gusto ko ilagay ito sa bawat kinakain ko.
Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?
Naghihintay,
Rosita
Sa iyo, Rosita,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may asawa ka na ay kabaligtaran. Ito ay babala na ‘di ka na makakapag-asawa habambuhay.
Sa kabilang dako, kung sa panaginip mo, umiibig ka sa asawa ng iba o sa madaling salita naging kabit ka, ito ay nangangahulugan na ‘di mo pinapansin ang lalaking kasalukuyang nagkakagusto sa iyo, at gagawin mo ang lahat para lang maiwasan siya.
Pero kung isa ka ng biyuda ngayon, ang ibig sabihin ng panaginip mo ay makakapag-asawa ka pa. Liligaya at sasagana pa ang iyong buhay mo sa piling ng iyong mapapangasawa.
Samantala, ang gusto mong lagyan ng honey ang bawat kinakain mo ay nagpapahiwatig na magtatagal pa ang buhay mo. Maabot mo rin ang tugatog ng tagumpay, lalung-lalo na pagdating sa negosyo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Kommentare