top of page

Babaeng walang matris, nanganak!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 18, 2021
  • 2 min read

ni Lolet Abania | February 18, 2021




Isang sanggol ang isinilang matapos ang isinagawang uterus transplant kung saan unang naganap ito sa France, ayon sa pahayag ng ospital na nag-alaga sa mag-ina.


Ayon sa mga eksperto, ang ganitong klase ng panganganak ay tinatawag na “extremely rare but not unprecedented” at maaaring mangyari makaraang maisagawa ang tamang procedure ng pag-transplant ng isang malusog na uterus sa isang babae sakaling ang sariling uterus nito ay may pinsala o nawawala.


Ang nasabing sanggol na isang babae ay tumitimbang ng 1.845 kilograms o 4.059 pounds na ipinanganak noong Biyernes, ayon sa team ng Foch hospital na matatagpuan sa labas ng Paris.


"Mother and baby are doing well," sabi ni Jean-Marc Ayoubi, head ng Gynecology, Obstetrics at Reproductive Medicine ng ospital sa AFP.


Ang 36-anyos naman na ina na kinilala lamang sa pangalang Deborah ay isinilang na walang uterus at dumanas ng isang kakaibang kondisyon na tinatawag na Rokitansky Syndrome, kung saan tumatama ang sakit na ito sa isa mula sa 4,500 babae.


Gayunman, nagsagawa kay Deborah ng uterus transplant noong March 2019 -- sa pareho ring team ng mga doktor na nagpaanak sa kanya – na kinuha ang uterus mula sa kanyang sariling ina na noon ay 57-anyos.


Samantala, ang kauna-unahang naitalang nakapagsilang matapos ang uterus transplant ay nangyari sa Sweden noong 2014.


Naganap ito isang taon makaraan ang transplant surgery ng katulad na kaso na naidokumento ng medical journal na The Lancet.


May iba pang report ng kapareho ring klase ng panganganak matapos ang uterus transplant na naidokumento naman sa US at Brazil, subalit nananatiling bihira ang ganitong kaso.


Madalas na uterus transplant ang ipinapayo ng mga doktor sa mga babaeng dumaranas ng katulad na reproductive problems bilang alternatibo sa adoption o surrogacy.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page