Babaeng vendor, tiklo sa shabu
@Balitang Probinsiya | April 17, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang babaeng vendor ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya nang makumpiksahan ng shabu, kamakalawa sa Bgy. Oringao, Kabankalan City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Angie Cortez, 45, nakatira sa nasabing lungsod.
Nabatid na nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang bentahan sila ng droga ng suspek ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang drug pusher.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 15 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments