top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Babaeng tulak, huli sa drug-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 1, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 1, 2021



ALBAY--Isang babaeng drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Cormidal, Tabaco City.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Geraldine Mataverde, 30-anyos at residente ng nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng illegal drugs ng suspek ay agad itong inaresto sa nasabing lugar.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page