Babaeng rider, patay sa kotse
@Balitang Probinsiya | December 24, 2021
CAPIZ—Patay ang babaeng rider nang aksidenteng mabangga ng kotse ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Angub, Cuartero.
Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang biktima hangga’t hindi naipababatid sa pamilya nito ang pagkamatay ng biktima sa naganap na aksidente.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng kotse na minamaneho ni Abe Morales, 51-anyos kaya aksidenteng nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idinekara itong dead-on-arrival.
Kusa namang sumuko sa pulisya si Morales na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.



Comments