Babaeng pusher, timbog sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | November 2, 2023
CEBU CITY -- Isang babaeng bigtime drug pusher ang naaresto sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Brgy. Bacayan sa lungsod na ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Rea Castor, nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar nang pagbentahan nito ng umano’y shabu ang mga operatibang nagpanggap na buyer ng droga.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments