Babaeng pusher tiklo sa drug bust
@Balitang Probinsiya | October 23, 2022
CAMARINES NORTE—Isang babaeng drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Matnog, Basud.
Ang suspek ay itinago muna ng pulisya sa pangalang "Ana", nasa hustong gulang habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.
Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng shabu si "Ana", kaya agad nagsagawa ng drug-bust operation sa nasabing barangay at dito nadakip ang suspek.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang gramo ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Sinampahan na ng pulisya ang suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments