Babaeng NPA, sumuko
@Balitang Probinsiya | June 19, 2023
ZAMBALES -- Isang babaeng miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng San Marcelino sa lalawigang ito.
Para sa kanyang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang babaeng komunistang sumuko na nag-o-operate sa lalawigan.
Sa ulat, isinurender din nito ang dalang armas, bala at subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Sinabi ng babaeng NPA na nais na niyang magbagong-buhay kaya nagpasya siyang magbalik-loob sa pamahalaan.
Isinasailalim na ngayon sa taktikal na interogasyon ang babaeng komunista.



Comments