top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Babaeng NPA, patay sa engkuwentro

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 17, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 17, 2023


ILOILO -- Isang babaeng miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga komunista kamakalawa sa Bgy. Ayubo, Leon sa lalawigang ito.


Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng napatay na babaeng miyembro ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.


Nabatid na habang nagpapatrulya ang mga sundalo ng Philippine Army (PA) ay nasalubong nila ang isang grupo ng mga NPA kaya agad nagbarilan ang magkabilang-panig.


Napag-alaman na sa palitan ng putok ng mga baril ay tinamaan at napatay ang babaeng NPA kaya mabilis na tumakas ang iba pang komunista.


Patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na miyembro ng NPA.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page