Babaeng NPA, dedo sa engkuwentro

@Balitang Probinsiya | November 30, 2020
LEYTE—Isang babaeng miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga komunista kamakalawa sa Bgy. Mahawan, Kananga.
Ang suspek ay nakilalang si Rochelle Mae Bacalso, alyas Ka Ruth, kasapi ng NPA na nag-o-operate sa naturang lalawigan.
Nagpapatrulya umano ang tropa ng pamahalaan nang pagbabarilin sila ng mga NPA.
Kaagad gumanti ng putok ang mga kawal ng Philippine Army (PA) dahilan kaya napatay si Bacalso.
Patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na mga komunistang kasama ni Bacalso.



Comments