top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Babaeng NPA, arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 5, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 5, 2023


SULTAN KUDARAT -- Isang babaeng miyembro ng komunistang New People’s Army (NPA) ang naaresto ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Kalamansig sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang isinasailalim ito sa masusing imbestigasyon.


Ayon sa ulat, may nag-tip sa mga awtoridad na ang babae na bagong residente sa nasabing barangay ay miyembro ng NPA.


Agad itong pinuntahan ng mga operatiba at nang alamin ang pagkatao nito ay nabatid na may mga kasong itong nakabimbin sa korte.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin ito ng mga operatiba.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page