top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Babaeng negosyante binoga

BULGAR
Oct 28, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 28, 2022


CAVITE—Isang negosyanteng babae ang sugatan nang barilin ng isa sa tatlong lalaking nakaalitan nito kamakalawa sa Bgy. Labac, Naic.


Ang biktimang nagtamo ng tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Cristina Tibo, 45-anyos, at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng mainitang pagtatalo si Cristina at ang tatlong suspek na sina John Palado, Elwood Pomanes at Jobert Paco, pawang nasa hustong gulang sa nasabing lugar.


Nabatid na habang nagtatalo ay biglang naglabas ng baril si Palado at binaril sa katawan ang biktima.


Kaagad namang nadakip ng pulisya ang tatlong suspek, samantalang dinala ng mga saksi si Cristina sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page