top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Babaeng mangingisda namatay sa lunod

BULGAR
Nov 2, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 2, 2022


ALBAY—Isang babaeng mangingisda ang namatay nang malunod kamakalawa sa dagat na sakop ng Bgy. Tinapian, Manito.


Ang biktima ay nakilalang si Gloria Butre, 59-anyos, residente ng Bgy. Buyo sa naturang bayan.

Ayon sa ulat, kasama ni Gloria ang kanyang mister nang mangisda sila sa karagatan, pero dahil sa lakas ng alon ay tumaob ang sinasakyan nilang bangkang pangisda.


Nabatid na tinangka pa ng mister ni Gloria na saklolohan ito, pero agad lumubog sa dagat ang biktima at makalipas ang ilang oras ay walang malay itong lumutang.


Kaagad dinala ng kanyang mister ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page