top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Babaeng manager, nilikda ng 2 armado

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 25, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 23, 2020



COTABATO CITY—Isang babaeng manager ang napatay at isang 12-anyos na batang lalaki ang sugatan sa isinagawang pamamaril ng hindi kilalang salarin kamakalawa sa Sinsuat Avenue, Bgy. Rosary Heights 7.


Ang nasawing biktima na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa likod ay nakilalang si Glenda Ardonio, 39-anyos, samantalang hindi na pinangalanan ang batang lalaking biktima na tinamaan ng ligaw na bala sa kanang paa.


Ayon sa ulat ng pulisya, papasok si Ardonio sa pinamamahalaan niyang tindahan nang lapitan ito ng suspek at agad pinagbabaril, at sa insidenteng ito ay tinamaan ng ligaw na bala ang batang lalaki.


Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.


Dinala pa ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Ardonio.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page