Babaeng HVT sa droga, tiklo
@Balitang Probinsiya | June 22, 2023
ILOILO -- Isang 37-anyos na babaeng high value-target (HVT) sa droga ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. North Baluarte, Molo District, Iloilo City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Monaliza Flores, residente sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad sa nasabing barangay at nadakip ang suspek.
Nakakumpiska ang mga operatiba ng 25 gramo ng shabu, drug paraphernalia at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments