Babaeng HVT sa droga nasakote
@Balitang Probinsiya | Pebrero 15, 2023
BATANGAS—Isang babaeng HVT (high value-target) sa droga ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Batangas City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito sa himpilan ng pulisya.
Napag-alaman na nadakip ang suspek sa isinagawang drug bust operation ng mga operatiba sa naturang barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 1.22 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments