top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Babaeng estapador, arestado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 6, 2021
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | February 6, 2021



CEBU—Isang babaeng estapador ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Basak, Lapu-Lapu City.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Leonora Centeno, nakatira sa naturang barangay.


Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong mga kasong estafa sa nasabing lalawigan.


Ayon sa pulisya, matagal na nilang pinaghahanap ang suspek at kamakalawa lang nila natiyempuhang dakpin ito nang umuwi sa kanilang bahay.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page