top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Babaeng drug dealer, tiklo

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 7, 2021
1 min read

Updated: Jan 9, 2021

@Balitang Probinsiya | January 7, 2021



CEBU—Isang wanted na babaeng drug dealer ang naaresto ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Tutay, Pinamungahan.


Ang suspek ay nakilalang si Eva Talon, residente sa nabanggit na bayan.


Nabatid na dinakip ng pulisya si Talon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.


Kusa namang sumama sa mga awtoridad ang suspek nang dakpin sila sa nasabing barangay.


Ayon sa pulisya, matagal na nilang pinaghahanap ang suspek at kamakalawa lang nila ito natiyempuhang dakpin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page