Babaeng bigtime pusher, arestado

@Balitang Probinsiya | February 25, 2021
ALBAY—Arestado ang babaeng bigtime na drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Cobo, Tabaco City.
Nakilala ang suspek na si Grace Biron, residente ng Bgy. Tayhi sa nabanggit na lungsod.
Napag-alamang ilang operatiba ang nagpanggap na buyer ng shabu at nang pagbentahan sila ng droga ni Biron ay agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 50 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Biron.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments