top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Babae, nangharang ng sasakyan para mamalimos

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 23, 2020
  • 1 min read

ni Twincle Esquierdo | July 23, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Mula sa kuha ng CCTV ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na diumano ay hinaharang ng isang babaeng palaboy ang mga kotse para mamalimos sa EDSA.


Balak huliin ang nasabing babae ngunit tumawid ito sa kabilang lane at pinuntahan ang mga kasamahang lalaki.


Ngunit, hindi tumigil ang mga MMDA sa paghuli sa mga ito at ayon sa kanila ay kailangan ng long-term at konkretong programa para sa kanila.


Nagbilin din ito sa mga motorista na 'wag banggain ang mga palaboy.


"We do not encourage na sagasaan ano, pero siyempre if your life or your family’s life is threatened, babatuhin ka o sasaksakin ka, you’ll never know what will happen to you, you are obligated to defend yourself," ayon kay Nebrija.


Maaari ring tumawag sa MMDA hotline 136 kung sakaling may mga ganito uri ng problema sa lansangan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page