Babae, kinatay sa bahay
@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 21, 2024
RIZAL -- Isang 59-anyos na babae ang tinadtad ng taga at napatay ng isang hindi kilalang lalaki, kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Sampaloc, Tanay sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng taga sa katawan ay nakilalang si Jeny Reyes, residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa pulisya, nasa loob ng kanyang bahay ang biktima nang pumasok ang suspek at agad itong pinagtataga hanggang mapatay.
Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.
Naglunsad na rin ng manhunt operation ang pulisya para makilala at madakip ang suspek.



Comments