Away ng 3 magpipinsan, 2 sugatan
@Balitang Probinsiya | Enero 28, 2023
AKLAN — Dalawa ang sugatan sa away ng tatlong magpipinsan na nag-iinuman kamakalawa sa Bgy. Tabayon, Banga sa lalawigang ito.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Jay-ar Concepcion, Valentino Dionisio at Rafael Dionisio, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang tatlong lasing na magpipinsan na humantong para pagsasaksakin ni Rafael sina Jay-ar at Valentino.
Nabatid na nagtamo si Jay-ar ng tama ng saksak sa tiyan samantalang sa kamay naman sinaksak si Valentino, at sa ngayon ay ginagamot na sila sa ospital.
Kusa namang sumuko sa pulisya si Rafael na nahaharap sa kasong 2-counts ng attempted homicide.



Comments