top of page

Ateneo syut na sa Final 4, Falcons hindi pinaporma

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 23, 2023
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | November 23, 2023



Mga laro sa Sabado – Araneta

11 AM UST vs. UP (W)

2 PM UP vs. ADMU (M)

6 PM DLSU vs. NU (M)



Ibinulsa ng defending champion Ateneo de Manila University ang huling upuan sa Final Four ng 86th UAAP Men’s Basketball matapos burahin ang Adamson University, 70-48, sa kanilang winner-take-all kahapon sa MOA Arena. Haharapin na ng Blue Eagles ang numero unong University of the Philippines ngayong Sabado sa Araneta Coliseum.


Inilabas ng Ateneo ang kanilang pinakamahigpit na depensa at ang 48 ang pinakaunti na ipinamigay nila ngayong torneo, kasama ang siyam lang ng Soaring Falcons sa huling quarter. Nagbunga ang mahusay na depensa ng mahusay na opensa sa pangunguna ni Jared Brown na may 20 mula sa apat na tres.


Haharapin ng umaarangkadang De La Salle University ang National University sa kabilang serye. Hawak ng Green Archers ang twice to beat bentahe at sumasakay sa walong sunod na tagumpay.

Samantala, pasok na sa ika-siyam na sunod na finals ang defending Women’schampion National University Lady Bulldogs matapos ang 58-43 panalo sa Ateneo de Manila University. Ito ang pinakaunting puntos ng NU ngayong taon subalit isinalba sila ng kanilang depensa sa second half at palakihan ang kanilang 31-27 bentahe.


Pumukol ng tatlong three-points si Camille Clarin para sa 12 puntos, lahat sa first half.


Si Karl Pingol ang nagpatuloy ng opensa na may 10 puntos sa second half at siya ang tumutok sa pagbantay kay Ateneo sentro at kandidata para MVP Kacey dela Rosa na nalimitahan sa dalawang puntos lang sa buong second half.


Maghihintay pa ng makalalaro ang NU at pinilit ng University of the Philippines ang winner-take-all sa paboritong University of Santo Tomas sa overtime, 88-80.


 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page