ASEAN, nais ibalik ang business travel sa mga bansa
- BULGAR

- Jun 27, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | June 27, 2020

Nagpahayag ang tatlong heads ng state ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng kanilang saloobin tungkol sa pag-resume ng business travel sa mga bansang kasama dito. Ito ang istratehiyang nais nilang gawin upang buhayin ang nanghinang ekonomiya ng bawat bansa at pakikipag-ugnayan nito, ayon sa Malacanang.
Gayunman, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque Jr., ang mga naturang business trip, sakaling payagang ibalik na sa mga bansa sa ASEAN, ay kinakailangang dumaan sa strict quarantine at iba pang health protocols upang hindi na kumalat pa ang sakit na coronavirus.





Comments