Arsonista, natimbog sa hideout

@Balitang Probinsiya | March 6, 2021
AURORA—Isang wanted na arsonista ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng San Luis.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Delfin Pimenter, alyas Ka Medy, umano’y dating secretary ng Aurora Provincial Committee of Communist Movement.
Napag-alamang inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong arson sa lalawigan.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Pimenter kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang suspek.



Comments