Army soldier, tepok sa riding-in-tandem

@Balitang Probinsiya | December 31, 2020
MAGUINDANAO—Isang sundalo ng Philippine Army (PA) ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Gang, Sultan Kudarat.
Ang biktima ay nakilalang si Cpl. Rosendo Oplino, nakatalaga sa 37th Infantry Battalion ng PA sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo si Oplino nang dikitan ito ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki na nakasakay din sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Dinala pa ng mga saksi si Oplino sa ospital, pero dahil sa dami ng balang tumama sa katawan nito ay idineklarang dead-on-arrival ang biktima.
May hinala ang mga awtoridad na liquidation squad ng teroristang BIFF (Bangsamoro Islamic Freedom Fighters) ang pumatay sa biktima.



Comments