Armas at pampasabog ng NPA narekober
@Balitang Probinsiya | October 30, 2022
CAMARINES SUR—Narekober ng mga awtoridad ang iba't ibang uri ng armas at pampasabog sa kuta ng mga miyembro ng New People's Army (NPA) kamakalawa sa bulubunduking lugar ng bayan ng Ragay.
Ang nakumpiskang armas ay apat na M16 rifle, isang M-14 rifle at 16 improvised explosives device (IED) at mga bala.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa mga awtoridad tungkol sa mga armas at pampasabog ng mga NPA na nakatago sa nasabing lugar.
Dahil dito, agad sinalakay ng tropa ng pamahalaan ang naturang lugar at dito natagpuan ang mga armas, IED at bala.
Naglunsad na ng manhunt operations ang mga awtoridad para madakip ang mga NPA sa nasabing lalawigan.



Comments