Armadong pusher, nasakote
@Balitang Probinsiya | June 10, 2023
Iloilo -- Isang armadong drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Obrero, Lapuz sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jomari Porras, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 60 gramo ng shabu, markadong pera, isang kalibre .38 revolver at mga bala sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments