top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Armadong kelot, tepok sa shootout

Writer: BULGAR
BULGAR
May 9, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 9, 2023


QUEZON—Isang armadong lalaki ang namatay nang makipagbarilan sa mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Concepcion Banahaw, Sariaya sa lalawigang ito.


Kinilala ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Marlon Mendoza, 44-anyos, nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, sa bisa ng search warrant ay sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ni Mendoza dahil sa impormasyong may baril ito sa kanyang tahanan, pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga operatiba.


Dahil dito, gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang baril, mga bala, at ilang sachets ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page