top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Armado pumalag, dedo sa shootout

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 16, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 16, 2021



SORSOGON—Isang hindi kilalang armadong lalaki ang napatay nang pumalag at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. San Roque, Sorsogon City.


Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng napatay na suspek.


Ayon sa ulat, nakita ng mga nagpapatrulyang pulisya ang kahina-hinalang kilos ng suspek sa nasabing barangay kaya sinita ito, pero biglang naglabas ng baril at binaril ang mga awtoridad.


Nabatid na mabilis na nakaganti ng putok ang mga operatiba kaya napatay ang suspek.


Nakarekober ang pulisya ng baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page