top of page
Search
  • BULGAR

Aray ko, hindi ikaw, Ion!... VICE, ISINUSUMPANG UUBUSIN ANG YAMAN PARA SA TAONG NAGPAPASAYA SA KANYA

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 6, 2020




Ibinahagi ni Vice Ganda sa kanyang Twitter account na siya'y nakakaramdam ng lungkot sa mga nangyayari ngayon sa buong mundo kahit pa sa tingin ng madlang pipol ay napapaligiran ng saya ang kanyang paligid.


Ayon sa It's Showtime host, kahit meron siyang pinagdaraanan, meron din naman siyang pangontra sa lungkot.


"Masayahin akong tao. Pero dahil normal pa rin naman ako, may mga pagkakataong kinakalabit ako ng lungkot. At 'pag nararamdaman ko 'yun, tinatawagan ko ang nanay ko."


Pampatanggal daw ng kanyang stress kapag nakakausap ang kanyang mommy na si Aling Rosario.


"Kaswal akong nakikipag-chikahan. May idinudulot siyang ginhawa sa 'kin. May magic. Kaya kung mejo (medyo) down ka ngayon, TRY MO!" ayon pa sa kanyang tweet.


Ilang beses nang sinabi ni Vice sa kanyang IG post nitong nakaraang taon na close siya sa kanyang ina. Nagtrabaho sa ibang bansa si Aling Rosario para maging maayos ang buhay nilang magkakapatid.


Dahil dito, isinumpa ni Vice na magiging komportable ang buhay ng ina.


“Tuwing sasakay kami ng tricycle o ng jeep, lagi niya akong kinakandong. ‘Yun ay para isa lang ang bayad. Kasi nga kapos sa pera. Mainit, masikip at masakit sa binti. Kawawa. Pero tinitiis niya ‘yun. Pero masaya rin naman siguro siya kasi nakayakap lang siya sa bunso niyang si Tutoy habang bumibiyahe," ayon pa sa Instagram post ni Vice last year.


"Malinaw sa isip ko bata pa lang ako na hindi madali ang buhay namin. Kaya nagsumikap ako. Nagsakripisyo. Nag-ipon. 'Di ko pinalampas ang mga pagkakataon. Kaya naman ngayon na nakakaluwag-luwag na 'ko, naka-BUSINESS CLASS na siya. Gumastos man ako nang malaki, sisiguraduhin kong komportable ang nanay ko. Walang ngalay. Walang ngawit.

Walang init. Hanggang sa huling sentimo ng naipon ko, gugugulin ko sa nanay ko. Tapos na ang mga panahon ng pagdurusa niya. Isinusumpa ko, tatanda siyang maginhawa," paniniguro ng comedian-host.


Samantala, G na G (gigil na gigil) naman si Vice Ganda sa isa pang tweet niya kung saan binanatan niya ang ilang opisyales ng PhilHealth dahil sa balitang pagnanakaw ng P15 bilyon sa pondo ng ahensiya.


Tweet ni Vice, "Parusahan ang mga magnanakaw sa Philhealth. Ikulong! PAGDUSAHIN.

Pakainin ng t*e ang mga fotaenang 'yan! Pagsama-samahin ang lahat ng laway ng mga may sakit at ipainom sa kanila. Walang kompa-compassion sa mga demonyo! Mga ul*l! Sumakit tuloy ang ulo ko! Akin na ang Saridon!"


'Yun na!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page