top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Apat, sugatan sa banggaan ng 2 motorsiklo

  • BULGAR
  • Jun 29, 2021
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | June 29, 2021


AKLAN—Apat katao ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang sinasakyan nilang dalawang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Pagsanghan, Banga.


Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Mark Anthony Sailog, 25-anyos; Michael Rabanes, 21-anyos; Ruper Cadigal, 20-anyos at Starlyn Arboleda, 15-anyos, kapwa residente sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng mga motorsiklong minamaneho ni Sailog habang kaangkas si Cadigal at ni Rabanes na kaangkas naman si Arboleda kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa nasabing lugar.


Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima at kasalukuyan na silang ginagamot sa ospital.


Inaalam na ng pulisya kung sino kina Sailog at Rabanes ang may pananagutan sa naganap na aksidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page