top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Apartment pinasok, 2 estudyante ninakawan

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 9, 2023


PALAWAN – Isang apartment ang nilooban ng mga miyembro ng "Akyat-Bahay Gang" kamakalawa sa Bgy. San Manuel, Puerto Princesa City sa lalawigang ito.


Hindi na pinangalanan ng pulisya ang dalawang estudyanteng biktimang napagnakawan ng mga cellphones at iba pang gamit sa loob ng inuupahan nilang apartment.


Nabatid na natutulog ang mga biktima sa apartment nang looban sila ng mga suspek.


Napag-alaman na sinira ng mga suspek ang bintana ng apartment kaya nakapasok at tinangay ang mga pag-aari ng mga biktima.


Kaugnay nito, naglunsad na rin ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga magnanakaw.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page