Apartment, nilooban ng mga miyembro ng 'Akyat-Bahay'
@Balitang Probinsiya | May 29, 2023
CAPIZ—Isang apartment ang nilooban ng mga miyembro ng "Akyat-Bahay Gang" kamakalawa sa Bgy. Banica, Roxas City sa lalawigang ito.
Hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktimang napagnakawan ng mga alahas, cellphones at iba pang gamit sa loob ng inuupahan niyang apartment.
Nabatid na natutulog ang biktima sa apartment nang looban siya ng mga suspek.
Napag-alaman na isa sa mga suspek na menor-de-edad ang nakita ng mga saksi na lumabas sa apartment ng biktima.
Kaugnay nito, naglunsad na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga magnanakaw.



Comments